Buhay High School Life

Sabi nila masarap daw balik balikan ang buhay high school pero kung ako ang tatanungin ou masarap balik balikan ang buhay high school kasi simula nung nag high school ako ang dami kong nakilala. Nung high school lang din ako nag karoon ng tunay na barkada na hindi ka talaga iiwan kahit saan ka mag punta kaso meron din akong naging kaibigan na mabait lang pag kaharap kaming mag totropa. Marami nag sasabi na BAD INFLUENCE daw ang barkada pero ako hindi ako naniniwala dun kasi pag may problema kang hindi mo masabi sa parents mo pwede mo sabihin sa barkada mo.


High school life hinding hindi ko talaga makakalimutan kasi lahat ng katarantaduhan high school ko natutunan. Ang makisama sa ibang tao high school ko din natutunan ang umuwi ng gabe ang mag lakwatsa tumambay hanggang gabi ang pag cuting sa klase kahit mahuli ng teacher ayos lang. Syempre high school ko rin natutunan ang makipag away sa tuwing high school life nga ang pinag uusapan lagi kong naaalala yung mga friends ko kahit na yung iba ay mabait lang pagkasama kami.


Syempre ang pinaka masaya na malungkot na part ng high school life ay ang graduation day. Mahirap man tanggapin na kahit isang taon lang tayo mga naging mag kakaklase naging masaya naman ako na naging barkada ko kaya hinding hindi ko kayo makakalimutan.

0 comments: