Buhay Dancer

Marami nagsasabi na ala daw patutunguhan ang pagiging dancer hindi ba nila napansin na umuunti na ang kabataang gumagamit ng pinagbabawal na gamot dahil nahahaling na sila sa pagsasayaw tapos sasabihin ng ibang tao na alang patutunguhan ang pagsasayaw at ang dami ring tao ang napapasaya ng mga dancer.


Pero isa lang ang masasabi ko sa mga dancer na tulad ko wag nyo papabayan ung pag-aaral hindi naman masama na sumayaw basta hindi natin napapabayaan ang ating mga pag-aaral. Kaya yung ibang dancer jan na nag-aaral pa pagbutihan nyo hindi naman mawawala ang pagsasayaw kaylangan din nating mga dancer ang makatapos ng pag-aaral at kaylangan din nating ng diploma.

Buhay High School Life

Sabi nila masarap daw balik balikan ang buhay high school pero kung ako ang tatanungin ou masarap balik balikan ang buhay high school kasi simula nung nag high school ako ang dami kong nakilala. Nung high school lang din ako nag karoon ng tunay na barkada na hindi ka talaga iiwan kahit saan ka mag punta kaso meron din akong naging kaibigan na mabait lang pag kaharap kaming mag totropa. Marami nag sasabi na BAD INFLUENCE daw ang barkada pero ako hindi ako naniniwala dun kasi pag may problema kang hindi mo masabi sa parents mo pwede mo sabihin sa barkada mo.


High school life hinding hindi ko talaga makakalimutan kasi lahat ng katarantaduhan high school ko natutunan. Ang makisama sa ibang tao high school ko din natutunan ang umuwi ng gabe ang mag lakwatsa tumambay hanggang gabi ang pag cuting sa klase kahit mahuli ng teacher ayos lang. Syempre high school ko rin natutunan ang makipag away sa tuwing high school life nga ang pinag uusapan lagi kong naaalala yung mga friends ko kahit na yung iba ay mabait lang pagkasama kami.


Syempre ang pinaka masaya na malungkot na part ng high school life ay ang graduation day. Mahirap man tanggapin na kahit isang taon lang tayo mga naging mag kakaklase naging masaya naman ako na naging barkada ko kaya hinding hindi ko kayo makakalimutan.

Ang Kwento ng Aking Buhay

Ako ay isang masayahing tao mahilig ako sumayaw, palakaibigan din ako minsan nga may nagtanong sakin para daw akong alang problema kasi lagi daw ako masaya pero hindi nila alam ang dami kong problema hindi ko lang pinahahalata dahil pag may problema ako dinadaan ko lang lahat sa tawa.


Sa lahat ng may problema jan wag nyo masyadong ispin yang mga problema nyo idaan nyo na lang lahat sa tawa. Pero pag hindi nyo na kayang itago ang mga problema nyo pwede namang sabihin sa mga kaibigan kasi ako pag hindi ko na kayang itago lahat ng problema ko sinasabi ko lahat sa aking mga kaibigan.


Tama na ang malungkot na kwento dito naman tayo sa masaya na kwento ng buhay ko. Simula nung sumayaw ako at naging ka grupo ko aking ate naging masaya ako kasi naging close kame kaya nga ang laking ng pasasalamat ko na naging ka grupo ko sya hinding hindi ko pinagsisisihan na naging dancer ako.